Marah Mae is an independent woman. At the age of twenty nine, she's still single at handa na siyang tumandang mag-isa. May sariling bahay at negosyo na ang dalaga. Nakatatak sa kaniyang isipan na hindi na niya kailangan ng lalaki sa buhay dahil masaya na siyang mag-isa. Ayaw niyang matulad sa mga kakilalang nakaranas ng pang-aabuso mula sa kanilang asawa. Kaya nagdesisyon itong maging dalaga habang-buhay. Ngunit hindi niya akalain na sa kaniyang paglipat sa naipundar na bahay ay mag-iiba ang kaniyang buhay. Magbabago ang kaniyang paniniwala. At sa unang pagkakataon ay sumikdo ang kaniyang puso nang masilayan niya ang kaniyang kapitbahay. Mababago kaya ng tuluyan ng kaniyang kapitbahay ang kaniyang paniniwala? Tutuluyan na bang kalimutan ni Marah ang isinumpa niya sa kaniyang sarili sa paghaharap nila ng kaniyang kapitbahay? O paninindigan ng dalaga ang kaniyang isinumpa? Lalo pa't may mga anak na ang kaniyang kapitbahay? Mapipigilan ba na niya ang pagtibok ng kaniyang puso lalo na't kinukulit siya nito?