"Reality is just a crappy game," ito ang paniniwala ni Louie Edison, tenth grader at certified gamer. Sa siyam na taon na pagiging gamer niya ay nakabuo siya ng mga category upang madaling makilala ang mga tao sa kanyang paligid: the Code. Yung estudyante na nakatira sa mansyon katabi nila na laging naka-make up at kung maglakad ay akala mo model siya ng Victoria's Secret? The prom queen. Yung classmate na panay ang taas ng kamay at singit sa lecture pero hindi sinusuway ng guro? The teacher's pet. The athlete: ("Excused. May practice kami.") The class clown: ("Ang mais ko talaga.") The nerd: ("One mistake na lang perfect na sana!") The class representative: ("Respeto naman, guys!") The quiet kid: ("...") The wallflower: ("Sino ba 'yan?" "Kaklase pala na'tin 'yan?") So far, hindi pa siya binigo ng pamamaraang ito. ~~~ Enter Grace Vargas: straight A student, positive-oriented, at nabibilang sa lower class ng lipunan. Yet another nerd in the class. At first. Di kalaunan ay napagtanto ni Louie na hindi sinusunod ni Grace ang Code. Gusto man nitong makipagkaibigan sa kaniya ay panay naman ang iwas niya. Mas gugustuhin niya pang sunugin ang PFP niya kaysa makipagkaibigan sa isang Glitch. Sa kuwentong ito ng pag-uunawa sa isa't isa at pagtuklas sa sarili, ating aalamin: Glitch nga ba si Grace o sadyang flawed lang ang Code ni Louie?All Rights Reserved