Mataman ko lamang s'yang pinagmamasdan mula rito, sa may 'di kalayuan. Batid ko na kanina pa s'ya sa akin naghihintay. Halata ang labis na pagkainip na mababanaag sa kan'yang hapong mukha, ngunit... sadyang hindi ko magawang maihakbang ang aking mga paa palapit sa kan'ya... hindi ko pa kaya. Alam ko kasi na sa oras na gawin ko ang bagay na iyon ay ito na rin ang magiging simula nang tuluyan kong paglimot sa kan'ya... na dapat sana ay matagal ko nang ginawa. SA edad na labing-anim, labis na nasaktan ang murang puso ni Cinderella nang malaman nito na ang lalaking lubos n'yang hinahangaan ay may kasintahan na palang iba. Dahil sa nangyari, isinumpa nito sa kan'yang sarili na hinding-hindi na s'ya muling iibig pa. Na si Miguel Balbuena lamang ang nag-iisa at natatanging lalaki na kakikiligan n'ya... wala ng iba! At para maisakatuparan ng dalagita ang bagay na iyon, napagpasyahan nito na baguhin ang sarili nitong katauhan- ang maging isang tomboy! Ito lamang kasi ang nakikita nitong paraan upang maiiwas ang sarili at mapanatili na hindi ma-fall sa iba. Hanggang kailan mapaninindigan ni Syd ang pagtotomboy-tomboyan kung makasalamuha n'ya na ang lalaking katulad ng isang Juan Benedicto Antonio? Juan Benedicto Antonio, a 25-year-old future CEO of Antonio's Corporation, one of the largest distributor of Agro- Chemicals, fertilizers and seeds in the Philippines. A certified womanizer at never pang nagseryoso sa isang babae. Ayaw n'yang pinagsasabay ang business and pleasure kaya naman agad n'yang sinisibak sa trabaho ang sinuman sa mga nagiging sekretarya n'ya na nagpapakita ng mga kakaibang motibo sa kan'ya. Paano kung makasalamuha n'ya ang isang kakaibang sekretarya sa katauhan ni Syd Santos, isang lesbiyana at nang nagsabog ang Diyos ng lakas ng sex appeal sa mundo ay sinalo na nito lahat! May mamuo kayang love story sa pagitan ng dalawang nilalang na ito na parehong nakararanas ng Pogi Problem Syndrome?All Rights Reserved