Lahat tayo ay may good and bad side. Pero ang madalas nating nakikita ay ang bad side ng isang tao. Hindi man lang natin binibigyan ng chance para makilala sila ng lubusan, basta kung ano ang ipinapakita nila ganun ang tingin ng lahat sa kanila. Si Stanley Santiago ay isang Med student sa Santiago University, isang malaking University sa Makati. Kilala siya bilang anak ng may-ari sa university at heartthrob ng campus. Mayaman pa. Gwapo, matangos ang ilong, ang kanyang mga mata ay maganda at ang mga ngiti niya, trending topic araw araw. Pero sa kabila ng mga iyon, isa siyang bad boy. Ang tawag ng karamihan sa kanya ay the "Campus Bad Boy". Halos lahat natatakot na mabangga siya. Pero, noong nabigyan ako ng chance na makilala siya, hindi ko na pinalipas. Si Stanley ay isang mabait at sweet na lalaki. Unexpected diba? Unexpected din para sa akin. Pero sa maikling panahon na nakilala ko siya, hindi ko pinagsisihan dahil pinatunayan ko sa kanila na kahit gaano man kasama ang isang tao, may mabuti din silang ugali. Kailangan lang talaga ng courage, patience, understanding at higit sa lahat, kailangan ng love.