Book #2 "Angela " The Succubus Demon Pilit siyang pumipiglas ngunit 'di siya makawala sa mga sanga na nakatali sa kaniya. Nasa loob siya ng isang bangungot na walang nakakarinig sa kaniya kahit sumigaw-sigaw pa siya . Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ng babae . Lalo siyang natakot no'ng sumiklab ang apoy sa paligid . "Pakawalan mo ko...tulong!!!!" Ngunit 'di siya pinapansin ng babae nang mapansin niya ang anino nito sa isang puno na tanging liwanag na nagmumula sa apoy ang gumitna sa dilim ng paligid ,nakita niya may unti-unting tumutubo ng dalawang sungay sa bandang noo nito at patuloy parin tumatawa ang babaeng demonyita kasabay mula sa likod nito na may tumubong buntot na parang isang hayop. Sinakal siya ng babae gamit ang isang kamay nito na kulay pula ang balat ng may mahahabang kuko . Unti-unti na siyang nawawalan ng hininga dahil sa lakas nito ay naghahalo ang pawis niya sa mukha dahil sa init ng apoy sa paligid at nagsisimula ng tumulo ang kaniyang mga luha . Walang magawa si Jerald kundi humiyaw sa nararamdaman nitong sakit at patuloy na tumatawa ng malakas ang babae . "Tara, maglaro tayo ng ML?." at muli itong tumawa ng malakas . Tunghayan ang kuwento ng isang Baranggay sa Maynila city.All Rights Reserved