
Isang araw, may tatlong magkakaibigan na sabay-sabay umihi sa isang c.r. ng kanilang eskuwelehan. Biglang bumanat si Boy Dyok ng isang istorya kina Boyet at Elias. Kinwento niya ang isang nakakahiyang nang yari kanina sa klase niya. Matapos ang examination week nila nung nakaraang linggo. Binalik na ng titser ang kanilang papel para mapakita ang mga grado nila. Tuwang-tuwa ako nung malaman ko na naka 89% ako sa Math. Sa sobrang tuwa ko, gusto kong magpa-simple na ipakita ito sa iba kong kaklase. Naisip ko iwanan ang papel ko sa aking mesa para malipad gamit ang electric fan na malapit sa upuan ko. Bale kunwaring pupunta ako sa CR pero balak ko ay malipad ang aking papel na hindi sadya. Sumilip ako paglabas ko sa aming silid, nakita kong nilipad ang papel ko na ayon sa aking plano at nakita ito ng mga katabi ko. Nagtungo na ako sa cr para kunwari lumabas talaga. Pagbalik ko, pinapasa na sa harap ang mga papel namin. Biglang sinabi ng titser na “congrats sa inyong lahat! Isa na lang ang hindi umabot ng 90% pero karamihan nakakuha ng 97% pataas.” Lahat ng mga katabi ko nagsitinginan sa akin kasama ang crush ko. Sobrang nakakahiya yung nangyari kahit pumasa ako. Tawang-tawa si Boyet nung nalaman niya na si Boy Dyok ang pinakamababa sa klase niya dahil siya rin ang pinakamababa sa kanilang section. Nakakuha ng 89.5% si Boyet kaya laking tuwa niya dahil hindi siya pinakamababa sa lahat ng third year students. Sa kakatawa niya, nabasa ang kanyang boxers sa gulo niyang umihi. Hindi natawa si Elias sapagkat nakakuha lamang siya ng 79% na grado. Iniba niya kaagad ang usapan bago pa man tanungin siya sa kanyang nakuhang marka. Bigla niyang tinanong ang dalawa kung mataas ba sila sa practical test nila sa P.E. Todos los derechos reservados
1 parte