Mula pagkabata, alam na ni Esther na mayroon syang kakaibang kakayahan-- ang kakayahang makakita ng mga senaryo ng isang tao sa hinaharap. At sa bawat pagkakataon na makita nyang hindi maganda at mapanganib ang mangyayari sa mga nakakasalubong nya, hindi nya ito maiwasang paalalahanan. Ngunit dumating ang araw kung saan kapatid nya mismo ang may masamang kapalaran. At dahil wala syang ideya kung kailan mangyayari ang bagay na 'yon, ginawa nya ang lahat para hindi matuloy ang tadhana. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, isang lalaking nakaitim na mayroong hawak na itim na libro ang biglang nagpakita sa tapat ng kanilang bahay. Ang lalaking kahit kailan ay hindi nya inaasahang magbibigay liwanag sa madilim nyang kakayahan. Magbago kaya ang takbo ng tadhana ni Esther sa kamay ng isang grim reaper o si Esther mismo ang magiging dahilan para mabago ang tadhana nito?