Isa siyang simpleng babae. Kinakailangan niyang huminto sa pag-aaral dahil sa pinansyal na problema ng kanilang pamilya. Nagbago ang takbo ng buhay nila nang manilbihan sila sa Hacienda ng mga Villarosa. Mataas ang sahod at mababait ang mga amo. Saan ka pa, hindi ba? Hanggang sa napilitan silang sumama sa kanilang tiyahin. Ito lang kasi ang gustong kumupkop sa kanila. Naging maayos muli ang kanilang buhay. Pinag-aral siya sa isang pribadong eskwelahan kung saan tuluyang mababago ang takbo ng kaniyang buhay.