Sa kamalas malasan nga naman.. daig ko pa na demote sa bago kong misyon nito, hindi naman ako mapili ng misyon pero wag naman yung magbabantay ng immature na spoiled brat! "Excuse me sir! Hindi po pwede yung suot nyo dito" saway sa akin ng guard sa bar "Wag mo sabihing may dress code kayo? "Meron po talaga sir, pasensya na pero hindi po pwede yang suot nyo. "Okay. Nandito ako ngayon sa bar kung saan madalas nagtatambay ang magiging alaga ko, pero dahil hinarang ako ng gwardya kaya pumunta muna ako sa medyo madilim na eskinita para magpalit ng damit syaka ako bumalik at mabuti nalang nakapasok ako. Agad kong hinanap ang pasaway na aalagaan ko. "One martini pls." wika ko sa bartender "Hindi mo ba alam na ayaw kong may tumatabi sa akin?" Nakataas kilay na wika ni Sarawat. Ng nakita ko kasi siya ay agad akong lumapit at umupo sa katabing upuan niya "I'm Kavin Cruz, siguro naman nabanggit na ako ng dad mo. (Inilabas ko ang badge ko para maniwala siya) Kung hindi pa sapat yan pwede kong ilabas ang i.d ko. Ngumisi, "Luma na yan.. (tinignan mula ulo hanggang paa si Kavin) Gwapo kanaman pero wala ako sa mood ngayon kaya makakaalis kana! Maghanap kanalang ng ibang gwapo Jan. "Grabe..kakakita palang natin may trust issues na agad tayo sa isa't isa. (Umiiling iling kong wika) kumunot ang noo "Anong sabi mo? Humarap kay Sarawat "Well..Mr.Sarawat Sandoval, I'm police officer kavin Cruz at nandito ako hindi dahil nagwapuhan ako sayo at lalong hindi ang tipo mo ang gusto ko kaya bawasan mo yang pagiging mahangin mo dahil baka kabagan ka! Nagtiim bagang. "Mayabang ka ha.. "Bakit nasapawan ka? Nagsukatan lang kami ng tingin at ilang Segundo na ang nakakalipas pero wala paring bumibitaw ng titig sa aming dalawa. Sabi nga nila first impressions last kaya hindi ako pwedeng magpatalo sa spoiled na lalaking to. Tinapik ang pisngi ni Kavin, "Matapang ka ha..tignan natin kung hanggang kailan ka tatagal.All Rights Reserved