[UNDER EDITING] Kahit ilang ulit pang itayong muli ang Maranatha College, hindi na nito maikukubli ang tinatagong lihim na natabunan sa paglipas ng panahon. Muli itong mauungkat nang muli nilang buksan ang nasabing paaralan, kasabay ng pagbibigay nang maraming benepisyo para sa mga estudyante. Si Cassandra na nangarap lamang makapagtapos at si Chase na sumunod lamang sa utos ay mabubulabog ang mundo dahil sa rebelasyong nagkokonekta sa kanila sa multong hindi matahimik sa Maranatha. Maaari nga kayang kalimutan na lamang ang kasalanan at ibaon sa nakaraan, o hintaying singilin ka ng kapalaran upang pagbayaran ang pagkakamaling pilit mong kinalimutan? Date started: October 27, 2022