Si Raihil at ang kanyang apat na kaibigan ay natagpuan sa isang lugar na kinatatakutan, ang kanilang kuryusidad ay naudyukan ng misteryosong maliit na papel na kung saan nakasulat ang address na ibinigay sa kanila ng isang matandang lalaki. Habang sila ay nakatayo sa nakasisindak na kapaligiran, ang hangin ay puno ng kaba at pangamba. Ang lumang gusali ay nakatindig sa harap nila, ang mga bintana'y basag at ang mga pinto'y nagrereklamo na sa hangin. Ang madilim na paligid ay nadagdagan sa nakakatakot ng inabandunadong lugar. Si Raihil, na may kanyang mapangahas na diwa, ang nanguna sa kanilang grupo habang ang apat niyang kaibigan ay natatakot na pumasok, ang munting papel na may lamang address ay mahigpit na nakahawak sa kanyang kamay, siya ay may halong excitement at pangamba, hindi tiyak kung ano ang naghihintay sa kanila sa lugar na kinatatakutan. Ang kanyang mga kaibigan, may halo ng pag-aalinlangan at kuryusidad, sumunod na lamang ang mga ito sa kanya nang malapit, hanggang sa inilibot nila ang madilim at misteryosong paligid. Habang sila ay lalim pa sa loob ng lugar na iyon, nagsimulang mag-unfold ang mga kakaibang pangyayari. At ang malamig na hangin ay nagpadala ng kalamigan sa kanilang balat. Si Raihil at ang kanyang mga kaibigan ay nagpalitan ng nerbiyosong tingin, ang kanilang mga puso ay kumakabog sa halo ng takot at kuryusidad.
1 part