Disi-sais pa lamang si Assy no'ng nagkagusto siya kay Clavier Buenaventura na kaniyang boy best friend. Bago namatay ang ina ng binata ay ipinagkasundo itong ikasal sa ibang babae ngunit tumanggi si Clavier. Sa pamamagitan ng laro, ay nagpakasal silang dalawa upang bigyan ng katuparan ang hiling ng inang may sakit. Ngunit sa halos dalawang taon nilang kasal ay puro kalungkutan lamang ang natatamo ni Assy. Nag-file siya ng annulment at kaagad naman iyong pinirmahan ng asawa. Lumipad siya papuntang Canada at doon makikilala ang lalaking magpapatahan sa malungkot niyang puso. Makakamtan na kaya ni Assy ang tunay na saya sa kaniyang pag-alis? Paano kung sa kaniyang muling pagbalik ay naghihintay ang tao na tulad niya'y nasasaktan at nahihirapan? Kaya pa bang pagdugtungin ang naputol nang relasyon? O tuluyang sumang-ayon sa takbo ng panahon.All Rights Reserved