Sabi Sa'yo, Tayo | Told You, It's Us

Sabi Sa'yo, Tayo | Told You, It's Us

  • WpView
    MGA BUMASA 9,723
  • WpVote
    Mga Boto 755
  • WpPart
    Mga Parte 18
WpMetadataReadMatureKumpleto Fri, Jan 30, 20262h 42m
Complete ✔️ After months apart since graduation, Zekei and Ellejei reunite. He carries hope, she carries doubts-but together, they chase the moments they once thought were lost. As days blur into nights, they hold on to borrowed time, not knowing how fleeting it truly is. 。゚•┈꒰ა ♡ ໒꒱┈• 。゚ Ellejei Zekei "Tayo 'yan." Ang palaging sinasabi sa'kin ni Zekei. Ayokong maniwala. Una sa lahat, ang corny. Sunod, manghuhula ba siya? Third, toothbrush muna. Fourth, wala lang. Ayoko lang talaga sigurong tingnan ang hinaharap na siya ang kasama kong abutan ng hamog sa daan habang nakatambay, o di kaya ay kumain ng pastang hindi ako ang nagluto. Ayokong matulad kami sa mga RomCom-na eepal pa ako sa kasal nila ng dapat sana ay magiging asawa niya dahil 'yon ang dumating noong mga panahong wala ako at nasa kasalukuyan siya ng pagmmove on. Ayoko rin naman 'yung mga fiction na magkakaroon siya ng superpowers at tutubuan ng buntot at mahabang tenga, tapos ililigtas niya ako mula sa malaking halimaw na sa dami ng tao sa lugar namin, ako pa talagang sira na ang atay kaiinom ng alak ang pinuntirya. At mas lalong ayoko ng thriller, tipong may kapatid pala ako at lumaki siya sa ibang bansa-uuwi siya ng Pilipinas para ipamukha sa'kin na kahit hindi niya mabigkas nang tuwid ang salitang 'nakakapagpabagabag' ay mas matalino pa'rin siya dahil ingles ang pangunahin niyang lenggwahe, nasaan si Zekei do'n? Nasa bahay ng kapatid ko, kasi kapatid din pala niya 'yon at iisa ang tatay namin. Kainis. Basta. Ayoko ng kahit ano sa mga 'yan.
All Rights Reserved
Sumali sa pinakamalaking komunidad ng pagkukuwentoMakakuha ng personalized na mga rekomendasyon ng kuwento, i-save ang iyong mga paborito sa iyong library, at magkomento at bumoto para lumago ang iyong komunidad.
Illustration

Magugustuhan mo rin ang

  • Sunflower Dreams [COMPLETED]
  • ESTRANGHERO
  • Games of Life (Ferreira Series#1) (gxg)
  • Unspoken Things
  • My Father Obsession ( Step father)    Complete ✅
  • Prescend
  • The Echoes of Regrets (When We Were Juniors Series #1)
  • Jack Rheus And The Cheerful Heart - Victoria Amor
  • The Mysterious Secret of St. Madrigal University

Mahirap ang buhay, lalo na kapag wala kang pera, pero para kay Chantina, mas mahirap pa rin ang maging katulong ni Poseidon Montellier. Masungit, palaging mainit ang ulo, perfectionist, at hindi puwedeng ma-late sa anumang utos nito. Pero sa ngalan ng pera at sa pangarap na matagal na niyang gustong maabot, tiniis niya ang lahat. Isang araw, inalok siya nito ng tatlong milyon kapalit ng isang bagay na hindi niya inasahan - ang magpanggap bilang fiancée ng amo. Halos lumuwa ang mata niya sa laki ng halaga at muntik na siyang himatayin sa kondisyon, pero sa huli, pumayag siya. Akala niya, madali lang ang magpanggap. Pero bilang fiancée ng isang bilyonaryo, kinailangan din niyang masanay sa mga bagong bagay. "Lean on my shoulder," "Hold my hand," "Hug me," "Kiss me" - mga utos na sa simula'y nakakailang, pero sa kalauna'y nakasanayan na rin niya. Kung kailan sanay na siyang kasama ito, saka naman nagbalik ang ina ng mga anak ng lalaki. Mabilis pa sa alas-kuwatro, tinapos nito ang kanilang kasunduan at pinaalis siya sa mansiyon. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig, at doon niya napagtanto na hindi lahat ng papel na ginagampanan ay nagiging totoo. Noon lang niya na-realize na mas mahirap ang magpanggap na masaya kaysa magpanggap na fiancée ng amo, at kahit tatlong milyon pa ang kapalit, hindi nito kayang punan ang lungkot at pangungulila niya sa taong natutunan na niyang mahalin.

Karagdagang detalye
WpActionLinkMga Alituntunin ng Nilalaman