Sa mundo ng industriya, hindi maiiwasan ang pagkakakaroon ng LOVETEAMS katulad ng mga tanyag na LOVETEAMS na JaDine, KathNiel, at LizQuen. Sa makabagong henerasyon, isang umuusbong na loveteam ang kasalukuyang hinahangaan ng maraming kabataan magmula nang maipalabas ang kanilang pelikula na pumatok sa takilya, hindi lamang locally but also globally, ang quick-rising and most anticipated loveteam, walang iba kundi ang 'LiLi Couple' na may fandom name na 'LiLianatics'. LOVETEAM, ibig sabihin, partner on screen na madalas nauuwi sa isang totoong relasyon sa tunay na buhay. Ngunit sa kaso ng dalawang bida sa kwentong ito, one loves another person and the other prioritizes career over anything else. What we see on screen is far different behind cameras. Ngayon tunghayan natin ang kwento ng dalawang sikat na personalidad sa likod ng camera.