Kung may isang babae man sa mundo na hindi nausuhan ng salitang lovelife, ito na siguro si Pauline "Pau" Policarpio. Hindi dahil sa walang nagkakagusto sa kanya kundi wala lang talaga siyang panahon sa love, love na yan. Masyado siyang busy para mag aksaya ng oras sa tinuturing niyang "least priority" sa kontentong buhay niya. Ang daily routine niya, gigising sa umaga, papasok sa school, uuwi ng bahay, mag-aaral, magpapractice tumugtog ng gitara o di kaya mag internet...hindi para magFB, magtwitter or mag-IG kundi para maggoogle. In short, maghanap ng bagong balita sa loob o labas ng bansa. Nakakabore kaya, diba? Pero paano kung may makilala siyang lalakeng manggugulo sa tahimik niyang mundo. Deadma pa rin kaya siya? Abangan... ^_^