Isang matagal na pag-ibig ang nakalimutan ng tuluyan ni Michael dahil sa isang aksidenteng kumitil ng buhay ng kanyang ama. At ang kanyang ina na lamang ang natira sa kanyang piling. "Bakit wala akong maalala?" tanong sa sarili. Palaging may gumagambalang dalaga sa kanyang panaginip. Kahit sampung taon na ang lumipas ay umaasa pa rin si Selina na makikita niya muli si Michael. Ngunit paano kung sa kanilang pagkikita ay hindi na siya nito maalala at ito ay may asawa na. "Nandito ako Selina naghihintay sayo." paalala ni Edward na umaasa sa kanyang pag-ibig. Tuluyan na nga ba niyang kakalimutan ang nakaraan?All Rights Reserved
1 part