Naranasan mo na ba nag magkaroon ng crush? Sa anong pangyayari mo ba siya nakita? O, sa anong paraan mo siya nagustuhan? Ano ba ang ginawa mo para maging magkaibigan lang kayong dalawa? May binago ka ba sa sarili mo upang mapansin ka lang niya? Gaano mo siya ka mahal? Paano kung malaman mong may mahal na siyang iba? Mamahalin mo pa ba siya? Pipiliin mo bang sabihin sa kanya ang nararamdaman mo? O, itatago mo nalang ito? Pero ang higit sa lahat..... Naranasan mo na bang makakita ng headless man sa tapat ng classroom mo? Na, kayo lang dalawa ang tao? Ano ang gagawin mo kapag nakita mo siyang lalapit sa iyo at may dala pang palakol? Gugustuhin mo bang mabuhay? Paano kung para kanang mamamatay dahil sa nyerbyos at takot? At higit sa lahat, Paano kung, Maliit pala ang mundo niyong dalawa? At ilang beses na pala kayong nagkita at hindi mo alam na ito pala siya dahil sa gwapo ng kanyang itsura? Magagawa mo ba siyang mahalin? Kung sa puso niya ay mayroon palang iba?