28 parts Complete Tatlong estudyante, iisang pangarap, ang maging Certified Public Accountant. Gustuhin man o hindi, sila'y nakatanggap ng responsibilidad. Responsibilidad na sasagot sa lahat ng misteryong umaalingawngaw.
Isang responsibilidad na kaya ba nilang pangatawanan ? Pangangatawanan ba nila kung ang posibleng kapalit ay ang pagkawasak ng kanilang pangarap o ang masama, kapalit ang kanilang buhay. Isang responsibilidad na kaya ba nilang tanggihan ? Eh paano kung nasa kamay na nila ang mismong kasagutan na sila lang ang tanging may alam, maaatim pa ba nilang tanggihan ?
Sa panahon ngayon, hindi lang noodles ang instant, detectives rin naman.
"INSTANT DETECTIVES". Tuklasin kung paano mapapangatawanan ng tatlong estudyante ang karakter na di nila inaasahang gagampanan.