TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK IMPRINTS Maagang nabuntis si Grace. Kaya naman kahit wala pa sa plano ay napwersa siyang pakasalan ang kanyang nobyo. Mabuti na lang, willing din si Dencio na panagutan siya. Pero breadwinner si Grace sa kanilang pamilya. Panganay sa magkakapatid, kaya naman kinailangan niyang magpatuloy sa pagtatrabaho. She continued to work as a bank teller in a bank, hanggang sa huling tatlong buwan bago siya nanganak kay Stella. Akala ni Grace, magiging madali na lang ang mga susunod na taon dahil may katuwang na siya sa buhay. Though the pregnancy was unplanned, Grace believed it was a blessing in disguise. Until she reached the valley- the downside of their marriage.