Isang babaeng kilala ng lahat sa underground world bilang si Kaimana habang Queen naman sa lahat ng nakakakilala sa kanya sa outside world ng organisasyon. Kilala rin siya sa kanyang angking galing sa pakikipaglaban; may sandata man o mano-mano. Ngunit ang mas tumatak sa lahat ay ang tinatawag nilang "Kaimana's Badges". Ito ay dalawang uri ng band-aid na kanyang ibinibigay kung kinakailangan. Una ay ang "Poison Badge". Ito ay band-aid na may tatak na bungo at ekis na nangangahulugang talo ka sa laban kontra sa kanya. Kung nabigyan ka nito, huwag mong hayaang umabot ito sa tatlo dahil sa pang-apat ay wala ka ng buhay. Pangalawa ay ang "Care Badge". Ito ay band-aid na may tatak na tubig na nangangahulugang hindi mo siya nakalaban ngunit tinulungan ka niya sa mga sugat mo. Bibihira lamang ang binibigyan niya ng ganito dahil ito ay isang dyamante para sa kanya. Marami ang nakakaalam ng tungkol sa kanya pero hindi ng kanyang pagkatao sa likod ng maskarang gamit niya. Isang tanong lang ang tumatakbo sa isipan nila at ito ay "Sino nga ba si Kaimana o Queen?"