Taong 1986-malapit na sanang makamit ng rebolusyon ang tagumpay. Ngunit, sa kanyang huling desperasyon, nakipagkasundo ang diktador sa hari ng Espanya at napasailalim ulit ang Pilipinas bilang kolonya ng imperyo. Kapalit nito, sinuportahan ng imperyo ang diktador at ang kanyang batas militar.
Sa isang iglap, at sa maituturing na pinakamalaking engkuwentro sa kasaysayan, nabigo ang rebolusyon.
Ngayon, makalipas ang isang taon, kaunti na lamang ang natitira sa mga dating naghimagsik-isa-isa silang tinugis ng militar at ng bago nitong hukbo, ang Guardia Civil. Napawi na rin ang liyab ng pusong makabayan sa maraming Pilipino. Tanging ang rebeldeng grupong Makabagong Katipunan o MBK na lamang ang patuloy na lumalaban. Ngunit, araw-araw, mas mabilis silang nauubos ng mga guwardiya sibil kaysa madagdagan ng bilang.
Sa gitna ng huwad na katahimikang tinatamasa ng bansa sa ilalim ng diktador at imperyo, tatlong kabataang recruit ang magkakatagpo sa kampo ng MBK.
Si Marciano, ang masunuring kapitan ng MBK na tinanggalan ng ranggo.
Si Pol, ang ipinadalang espiya ng militar sa hanay ng mga recruit.
At si Mithi, ang kolehiyalang nangahas palitan ang kaniyang pangalan upang makapaghiganti sa diktador at sa pamahalaang sumira ng buhay niya.
Magiging bahagi sila ng yunit na MAYA-1. Mapagtagumpayan kaya nila ang bawat pagsubok ng MBK at ng kabundukan? Madadaig din kaya nila ang batas militar kung mismong ang mga problema nila sa isa't isa ay hindi nila malagpasan?
Itinago ni Zarina ang kanilang pagkakakilanlan upang hindi sila mahanap ng mga kalaban nila at makapag-aral ng tahimik. Gustong makuha ng ex-boyfriend niya ang posisyon niya. She acts cold and distant, para maprotektahan ang sarili niya sa magulo na mundong kanyang pinamumunuan.
Ngunit, magbabago kaya lahat kapag nakilala niya si Kurt Xinn, ang King of Gangsters? Magsisimula ba siyang matunaw sa presensya ni Kurt, na nagdadala pabalik ng init na matagal na niyang nakalimutan?
Started: April 6, 2021
Finished: February 26, 2022