Si Gaelen Ignacio ay isang college student na kung saan ay nagdadalubsaha sa pagtuturo sa Filipino na maiinlove sa kaklaseng si Miles Martinez. Sino nga ba ang hindi maiinlove sa isang Matias Miles Martinez? moreno, matangkad, singkit ang mata, gwapo, at higit sa lahat talented. Dahil dito ay hindi na nakayanan ni Gaelen ang hindi mainlove kay Miles dahil na rin sa mga mapaglaro nitong ginagawa. Sa kabilang banda, dahil sa PE basketball ay biglang makikilala ni Gaelen si Nathaniel Dayne Fajardo na kung saan ay isa ring talentado. Bukod sa pagiging talented nito ay hindi rin maitatanggi na habulin din ito dahil sa angking kagwapuhan. Maputi, may makapal na kilay, hindi kasingkitan ang mata nguni't hindi naman iyon nakabawas sa kaniya, mas lalo pa atang bumagay, mayroon ding dimples at magandang labi, kung anong kinaganda ng panlabas, ganoon naman kasama ang panloob nito. Sa una nilang pagkikita ay hindi inaasahang inis at galit ang mararamdaman ni Gaelen sa kaniya. Ika nga niya, 'Gwapo nga, masama naman ang ugali. Nugagawin?'
Matapos ang lahat ng pangyayari, hindi nila alam kung bakit sa ganito nauwi ang lahat. Maaari nga bang magkaroon ng love sa pagitan nina Miles at Gaelen? O mas magkakaroon ng tyansa sina Gaelen at Nathaniel dahil sa kanilang bangayan?.
DATE STARTED: NOV. 15, 2022
DATE END: