Stand Alone Novel | R-18 | On-going Bilang alipin ng salapi, iniwan ni Vinniece Jan Saavedra ang masayang buhay sa siyudad kapalit ng malaking sahod sa isang liblib na probinsya. Simple lang daw ang gagawin niya, ang asikasuhin ang mga ipaaayos ng magiging amo niya. Nang umuwi sa Pilipinas ang lalaki, hindi niya inaasahan na may kakisigan at kaguwapuhan pala ito. But that's not what intrigued Vinniece. Para siyang inapuyan sa taglay nitong kamisteryohan. She found his seemingly distant persona alluring. Wala naman na sanang problema sa dalaga ang bago niyang trabaho at pamumuhay, ngunit umikot ang mundo niya nang nalaman ang totoong trabaho nito. Buong akala niya'y simpleng manunulat lang ito . . . ngunit nang magsunod-sunod ang patayan sa kanilang lugar, isa ito sa mga rumeresolba ng krimen. Hindi ang amo niya ang tipo ng taong gagawa ng mga bagay para lang tumulong. Anong kasamaan, kahiwagaan, at kamisteryohan ang nakapaloob sa ginagawang kabutihan nito? Kailangan na ba niyang tumakas at tumakbo palayo rito? | Mystery | Thriller | General Fiction |