Huling taon na ni Anaya sa high school, pero sa huling taon niya ay hindi niya akalain na ito ang taon na susubok sa kanya. Dahil sa madalas na pag-absent sa klase ni Anaya noong third year siya ay labis na naapektuhan ang grades niya na siyang dahilan kung bakit siya napunta sa lowest section, ang IV-Zircon, ang section na tinaguriang worst section ng Sto. Domingo High School. Nasa IV-Zircon ang mga estudyanteng delingkwente, mga basagulero, pasaway, bully at mga may mabababang grado, ang nasa section na ito ay halos magkakaklase na mula pa noong first year high school, may pailan-ilan na nababawas kada taon, may nalilipat ng section dahil sa good records sa first grading, may iba naman na lumilipat ng school dahil hindi kinakaya ang pagiging bully ng ibang estudyante. Mapapanindigan kaya ni Anaya ang maging isa sa IV-Zircon, o matutulad din siya sa mga estudyanteng napilitang umalis?