The almighty, snobbish, and independent Cielo Antonio can make everyone frightened into submission. Tandang-tanda pa yata ng mga kaklase niya noong isang beses na may binatukan siya dahil hindi pumipirmi. Eh, paano ba naman kasi? Isang tingin niya lang, manginginig ka na sa takot.
Basta isang araw, kinalabit na lang siya ng kaklase niya dahil hinahanap daw siya ng isang 'daga' na interesado sa maganda niyang pinsan. Sinabayan pa siya nito hanggang sa pag-uwi dahil sa pabor na hihingiin.
Matakasan niya kaya ang maingay at makulit na 'dagang' buntot niya dahil kulang nalang ay itapon niya ito sa ilog? o tuluyan nalang siyang maniwala sa sarili na kahit anong tanggi ang gawin niya ay may pakialam naman talaga siya dito?
Small but terrible. Imbes na mahulog siya sa patibong na pinlano ni Cielo, ang dalaga pa yata ang matitisod.
Written by: bianca_kimmm