Hindi ko alam kung paano sisimulan 'to pero sige, susubukan ko. Ako si Rocher, labing walong taong gulang. Bata pa lang ako, namulat na ako sa takbo ng buhay. Hindi ko naranasan maging isang ganap na bata, o kahit yung pagiging teenager ko ngayon. Kapos kami sa buhay, sa katunayan, hanggang elementarya lamang yung natapos ko. Simula noon, hindi ko na ipinagpatuloy ang pag aaral ko, hindi na raw kaya ni Nanay na suportahan ako kaya tinulungan ko na lang siya na buhayin ang aming mga sarili. Hindi ko alam kung hanggang saan kami dadalhin ng buhay na ito pero siguro naman, may hangganan ito. Sa totoo lang, ang hirap maging mahirap.