"Speaking of takot, saan ka takot, Bobby?" usisa ni Regine.
"Noong bata ako, sa aso. Kasi, nakagat ako. But eventually, nawala iyon. Sa ngayon, iba na ang kinatatakutan ko."
"Ano naman ang kinatatakutan mo ngayon?"
Huminga muna ng malalim ang binata. Bago siya sinulyapan ng seryoso. "Na hindi mo ako matanggap,"
Napamata siya rito. Nangunot ang noo niya sa labis na pagtataka dahil sa tinuran nito." B-bakit mo naman nasabi 'yan? Eh, okay ka naman para sa akin. Na sa 'yo na ang lahat ng gusto ko at hinahanap sa isang lalake. Bakit naman hindi kita matatanggap? "
"You don't know me yet, Regine. You know my name but not my story," malungkot na wika nito.
"Eh, 'di magkuwento ka nang tungkol sa 'yo ngayon. Makikinig ako. Teka nga, alam mo, kung 'di ka okay sa akin, 'di ako sasama sa 'yo. Kahit sabihin na bang attracted ako sa 'yo at kinikilig. Pero, wala akong makitang mali... I trust you. You're fine at mabait. Plus factor na ang pagiging irresistible mo." Iyong huli ay pabiro para 'di naman siya masyadong easy.
"Baka lumaki na ang ulo ko dahil sa mga papuri mo." Bumalik na ulit ang ngiti sa mga labi nito.
Masigla na ulit ang boses pero malungkot pa rin ang mga mata.
"Payakap na nga lang muna," lambing niya.
At ikinulong siya ni Bobby sa mga bisig nito gaya ng hiling niya. Ramdam niya ang comfort at security. Bagay na hindi niya naramdaman sa kanyang ex.
"One day, I will tell you everything about me... wala akong itatago sa 'yo," malumanay na bulong nito sa kanya. Bakas sa boses nito ang pangako na gusto niyang panghawakan.
Heated Deceptions: A Collaboration Novel written by heartlessnostalgia and HiroYuu101
How far would you go for the man you love to love you back? For Rylee, she would do anything--even lie about a pregnancy--for North Alvarado.
***
Rylee Addison Sandoval's longtime crush on her brother's best friend, North Alvarado, isn't a secret. It's as embarrassing as they come, even pretending to get lost around the college department just to catch a glimpse of him. Everyone thinks it's unrequited, even Rylee herself, but one drunk night with North changes it all. Grabbing an opportunity to have him forever, Rylee tells everyone she's pregnant with his baby. North is willing to take responsibility for her and the child, but one problem: there is no child. How long can Rylee's deception last until North finally discovers the truth? And will love be enough for him to forgive her...or not?
DISCLAIMER: This story is written in Taglish.
COVER DESIGN: Regina Dionela