Naniniwala ka ba sa isang bagay na hindi mo pa nararanasan pero alam mo sa sarili mo na totoo itong mangyayari sayo pero sa ibang katauhan mo nga lang. Nakaranas ka na ba ng pakiramdam na nasa isang sitwasyon ka na akala mo ikaw mismo iyon sa isang panaginip pero nasa ibang katauhan ka? May mga napapansin ka ba sa paligid mo na parang kung titignan mo eh nagbabaliktanaw ka mula sa nakaraan pero hindi pa naman iyon nangyayari? Parang nostalgic sa pakiramdam kumbaga. Mahirap ipaliwanag. Mahirap sabihin sa mga taong hindi mo sigurado kung maiintindihan ka kaya sasarilinin mo na lamang ito. Dyan magsisimula ang kwento ng isang binata na si Paul Faran Uñigo Del Miñarez na nakakaranas ng existential crisis at kung paano nya niyakap ang realidad sa araw-araw na ginugugol sa mundong puno mga bagay na gumugulo sa isipan nya at naging susi para maging sagot sa kanyang mga katanungan.