Happily Ever After “…and they lived happily ever after!” masayang itiniklop ni Charlize ang kanyang paboritong fairytale book na madalas na basahin sa kanya ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito. Dinala pa nya sa kanyang dibdib ang aklat at tumingala sa kalangitan. “I missed you mom…” bulong nya sa hangin. “Who lived happily ever after?” tanong ng isang boses. Takang binigyan ni Charlize ng matalim na tingin ang batang lalakeng basta nalang sumalo sa kanya sa pagkakaupo sa kanyang picnic carpet. This is the first time na makita nya ito dito sa kanilang bahay, marahil ay bisita ito ng kanyang ama. “Cinderella and Prince Stefan…” nakataas babang sabi nya. Pinagtawanan sya ng lalake. Napahawak si Charlize sa dibdib dahil pumitik iyon na ramdam nyang parang gusto yatang kumawala sa kinalalagyan nito. “Kasinungalingan! Baka naman happily never after?” sambit nito at prente pang humiga sa kanyang kandungan. “Dito muna ako ha? Pang matatanda kasi ang usapan sa loob” pumikit ito at anyo