Kung pagtatago ang usapan ay walang tatalo kay Polaris Aragon. Sa loob ng limang taon ay hindi siya nahuli ng Bureau of Special Forces of the Philippines (BSFP), kaya't tahimik siyang namuhay sa siyudad na parang hindi niya itinatago ang kapangyarihang kahit sino ay gugustuhing makuha. Ngunit nang dahil sa dalawang libong piso ay nagbago ang buhay niya. Sa isang iglap, isa na siya sa pinakakilalang kriminal sa buong Pilipinas. Ang atensyon at ang gulo na pilit niyang iniiwasan noon ay siyang naging bagong hanap-buhay sa bagong tahanan, kasama ang mga kaibigan na minsan ay sakit niya rin sa ulo. Pero paano kung ang trabahong labag sa batas ay siya ring lilinis sa kaniyang pangalan? Paano kung ang pagiging kalaban ng bansa ay ang totoong paraan para magkaroon siya ng ambag sa lipunan? Paninindigan kaya ng dalaga ang pagiging kaaway? O tulad ng dati'y magtatago siya't magingibang buhay? *** Book collaboration with @_WhenAutumnFalls Medium of Narration: Filipino Cover Design: @_WhenAutumnFalls and freepik Drafted: October 15, 2020 Date Published: July 1, 2021 Date Completed: June 23, 2022
55 parts