kasalukuyan akong nasa computer ronm na pinagkakitaan ng napakagaling na school namin at ginawang computer shop para sa mga estudyanteng rinding rindi na sa pakikinig ng mga landiang binabasa sa dedication booth. Foundation day ng school namin at wala kaming ginawa kundi tumambay dito sa tinatawag nilang Computer booth kasama ang bestfriend kong uhugin na walang ginawa kundi suminghot ng suminghot ng uhog nya. Bukod sa sa mga kantahang jejemon na pinapatugtog, rinding rindi na rin ako sa tunog ng pagsinghot neto. Hindi ko ba alam kung bakit umiiyak nanaman to. Sabagay medyo sanay na naman ako dahil tuwing Foudation day namin ganyan sya. Papasok lang para magluksa at iyakan ang walang kwenta nyang Ex. Ewan ko nga ba sa mga tao kung bakit pinipili pa nilang pumasok sa isang relasyon kung halos ipamuka na ng mundo na hindi naman kayo tatagal dahil sabi nga nila WALA NAMANG FOREVER.