WARNING: MATURE CONTENT R-18 (SPG) "Don't you realize what is happening, Raena?" bulyaw niya sa'kin nang magpilit akong sumunod . "You're constantly facing danger whenever you're with me." "So?" balik ko. "Yes, I'm always facing danger ever since I met you. But you always protected me, right? Iniling niya ang ulo tsaka naupo sa sahig at sinabunutan ang sarili. "Hindi ko na alam kung anong gagawin sayo!" "Why don't you just let me stay by your side?" Marahas siyang bumuntong hininga tsaka bumaling sa akin muli. "Because it is dangerous! Hindi mo ba naiintindihan ang trabaho ko? Maaari kang mamatay kung patuloy kang magiging malapit sa'kin!" Muli niyang ginulo ang buhok niya. "Isang pagkakamali ang paglapit ko sayo. I should have stayed away and just protected you from afar. I shouldn't have become selfish and-" Bago pa niya matapos ang sasabihin ay agad akong lumapit sa kanya at inilapag ang labi ko sa labi niya. Natigilan siya at halos hindi makagalaw dahil sa ginawa kong iyon kaya dahan-dahan ko na ding nilayo ang labi ko at diretsong tumingin sa mga mata niya. "I don't mind facing an enticing danger with you, Levi," sambit ko. "At nakahanda akong harapin ang kahit anong panganib makasama ka lang. Iyon ang bagay na kaya kong ipangako sayo." "But-" Umiling ako upang pigilan siya sa pagsasalita. "You love me, right?" Dahan-dahan siyang tumango bilang sagot. "I... I love you so much, Raena. You don't know how much I love you since I first saw you." "I love you too, Levi." Hinaplos ko ang pisngi niya. "So, please fight for our love. We can overcome any danger as long as we are together." Iba na ang pagkakataong ito. Kung noon ay hinahayaan ko na protektahan ako ng iba para magkaroon ng pagkakataon na manatili sa tabi nila, sa pagkakataong ito ay ako mismo ang maniniguro na kaya kong protektahan ang sarili ko. Nang sa gayon ay hindi ako muling mawawala sa piling ng taong nagmamahal sa akin at wala nang muling mawawala sa buhay ko.