Hanggang kailan ka ba dapat magmahal?
Hanggat may dahilan ka para mahalin siya...
Kahit nasasaktan ka na at nagmumukhang tanga ok lang...
...kasi mahal mo siya.
Pero minsan hindi maiiwasan na mapapagod kang magmahal...
Dahil hindi lahat ay purong saya...
Kung tutuusin mas marami pa nga ang sakit, ouch! and hurts feeling di ba?..
At 'yan ang naranasan ko.
Sabi nila magsasawa rin ako.
Sabi ko naman hindi rin,
.....dahil kailan ba nagsawa ang taong nagmamahal ng totoo.
Ako si Jane Torres.
Hindi ako naghahangad ng perpektong relasyon, basta mahal niya ko, mahal ko siya at totoo. Solve na ko. Pagbigyan n'yo na. Sana kahit isa lang, may maligaw, 'yung hindi ako lolokuhin at sasaktan.
Pero paano kung mahal ko na siya...
Sapat na ba 'yun para sumugal ulit sa tinatawag nilang pag-ibig.
Naranasan niyo na bang magmahal ng totoo? Yung doon pa talaga sa taong di mo aakalaing mamahalin mo?
Naranasan niyo na bang magmahal ng sobra sobra? Pero sa sobrang pagmamahal na iyon, sobra ka lang din nasaktan? Sa sobrang sakit, hindi mo na alam kung kaya mo pang magmahal ulit.
Ano, naranasan mo na ba?
"But the time I started to believe, that was the time I was betrayed and deceived."