♪♫ Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo. Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso ♫♪ May kaklase ako, isa siyang Diwata-- hindi yung diwatang may kapangyarihan o kung ano-ano, dahil sa kanyang kagandahan kaya ko siya naituring na Diwata. Diwata, Diwata.. Kelan ko ba masasabi na ikaw ay Aking Diwata? Imposible na siguro kasi sa napakadami mong manliligaw na dinaig pa ang pila sa MRT ay nakalimutan mo na ako. Nakalimutan mo na ang lahat ng tungkol saken.. Maging Aking Diwata pa kaya kita? O Kanyang Diwata na lamang ng kung sino man yung mahal mo? Ako nga pala si Daniel, mabilis ang ikot ng mundo tila puro kalokohan ang ginagawa ngunit ng makilala ko ang isang Diwata na nangangalan sa pangalang Kathryn, Bumagal ang ikot ng mundo ko't palaging umaasa na sana matawag ko siya na Aking Diwata.