Alam mo ba yung feeling na gusto mong pagselosin ang isang tao? Na balak mo syang parusahan sa ginawa nyang masakit sa'yo? Yung tipong desidido kang magsisi sya at magmamakaawang balikan ka? Pero para mangyari iyon, kailangan mo magpanggap at gamitin ang isa pang tao? Kung saan nakasalalay na ang puso ng dalawang lalaking may malaking posibilidad na masugatan dahil sa iyo? Iyon nga pala ang plano ko. Pero sa kabila ng lahat ng kasamaang ito... Paano kung ako rin mismo ang magsisi sa huli? Masaktan? Maparusahan? Sa kadahilanang... ako rin pala ang matutuluyang mahulog?