"MY HANDSOME HUSBAND" Si Arizel Sowa Hades,isang babae na pinakasal sa lalaking kailan man hindi siya nagustuhan. Pinagkasunduan ng mga magulang nila na ikasal sila kahit labag sa kalooban. Ang akala ni Sowa kung ikakasal na siya, magiging maayos at masaya ang buhay niya. Ngunit simula nung ikasal siya kay Dex,masasakit na salita lang ang naririnig nito sakanyang asawa ang ikanadudurog ng kanyang puso. Minahal niya ito bilang asawa at ginagawa nito ang responsibilad bilang asawa niya. Pero dahil sa kasal lang sila sa papel, hindi siya nito magawang mahalin pabalik. Bakit? Kasi bago paman sila kinasal may nagugustuhan na siyang babae at si Sowa ang sinisisi niya kung bakit sila hindi nagkatuluyan. Hindi alam ni Sowa kung bakit nangyayari ito sa buhay niya. Naging mabuti naman naman siya sa lahat ng tao ngunit tila ba'y pinaparusahan siya. Ang tanging gusto niya lang naman ay ang magkaroon ng masayang pamilya at hindi ang ganito. Oo, kasal kasal sa papel pero mahal na niya ang kanyang asawa. Hiniling lang ng pamilya ng lalaki na ikasal siya. Bago ito sumaka bilang buhay ay gusto muna siyang makitang kinakasal sa babaeng gusto nila para sa kanilang kaisa isahang apo.