Natasha Jane, simply known as NJ. Isang babaeng naghahangad magkaroon ng kaibigan na mapagkakatiwalaan niya at hindi siya lolokohin tulad ng iba. Isang araw napag-“tripan” niyang magiwan ng sulat sa isang puno. Pero hindi niya inaasahan na may tutugon sa sulat na iniwan niya. Nag-kalapit sila ng taong sumasagot sa kanya na ang pangalan din ay NJ. Nagpapalitan ng mga sulat tulad ng pakikipag-chat sa FB hanggang sa huling sinulat niya na “Gusto kitang maging kaibigan” hindi na muli itong tumugon sa kaniya. Fast forward to the present: 8 years later. Isang ordinaryong araw nanaman para kay NJ sa kanyang pagiging 4th year sa high school nang biglang may nag-transfer sa school nila, sa klase niya mismo. “Hi my name is Nathan John Masaru, you can all call me NJ.” Na magbabago sa takbo ng buhay niya. © 2015 HWLNote
16 parts