Urban Legends Series | Ang kamatayang naiwasan ay utang na dapat pagbayaran. *** A novel. Maaring ang lahat sa atin ay nakasakay na sa pampasaherong jeep kahit man lang isang beses sa buong buhay natin. Pero hindi lahat makakaranas singilin nang mas malaki kaysa sa dapat na pamasahe - liban na lang kung sasakay ka na walang ulo sa kailaliman ng gabi matapos ang isang nakakapagod na araw. Sa k'wentong bayan, may kasabihang nalabag si Katrina at ang mga kaibigan niya nang gabing umuwi sila mula sa isang pagdiriwang. Dahil sa hindi sinasadyang paglabag na ito, isa-isa silang dinadalaw ni kamatayan upang bawiin ang karagdagang oras na ipinahiram sa kanila. Bilang man ang mga oras, magawa kaya nilang mapigilan ang pagkatok ng kabilang buhay para sa buhay na hiniram lang nila kay kamatayan? May paraan ba para takasan ang dapat na naganap? Sa k'wentong bayan na ito, isa lang ang dapat nilang tandaan: ang hiram ay dapat na ibalik. • The story is written in Taglish.
14 parts