Hellooooo! yes, yes naman, isa na namang story na hanggang chapter 1 lang(Siguro?). napaka common, chapter 1 lang yung kayang isulat, edi sorry naman loko, hindi ko talaga kayang mag sulat ng madaming chapter, bakit kaya ganon, t@nginang yan, parang sira ulo e, may naiisip kang idea tapos di mo masulat, parang uto talaga e, edi sorry kasi. ay may nakita akong pogi sa mini bus e, juskopoo, parang gusto kong sumama sa kanya at kalimutan ang masalimuot na buhay ko. yung story pala na to e tungkol sa babaeng pinupursue yung law, e dating abogado tatay niya kaya lang dahil sa isang incidente nasuspende sya, tapos inaasahan nilang lalaki yung magiging anak nila at s'ya yung magpapatuloy ng mga pangarap nya kaya lang babae siya-kaya ayaw sa kanya ng tatay niya. Tapos habang nasa university sya makikilala niya yung babaeng palaging inaapi kasi napaka tangkad nito as in! at palaging naka suot ng pang manang na damit, tapos naka jacket kahit mainit-parang kaklase ko lang. Tapos yung buhok nya parang pang pulubi tapos maaawa sya sasamahan niya palagi tapos bigla na lang siyang magigising sa isang erotic na room at nakatali, tapos makikita niya yung tinuturing nyang kaibigan na pangit e isa pa lang god like na lalaking color purple black yung mata na matangkad, may nunal sa left side ng mata, heart shape lips na napaka juicy, may greek word at weird art na tattoo sa likod at side ng leeg, maputi, may hikaw na pa cross, may abs, long lashes at jet black hair. Inshort asawa ko. Tapos dun na magsisimula lahat.
When they said 'Puppy love' agad na pumapasok sa bata at maliit kong utak ay 'tutang mahal' natatawa sila tuwing sinasabi ko yon at hindi ko sila maintindihan kung bakit nila ko pinag tatawan. Mali ba yon?
Elementary, grade 5 ng nag transfer siya sa school namin. Maganda siyang babae, maliit, matangos ang ilong, maputi, singkit ang mga mata, payat, matinis ang boses, mahahaba din ang kulot niyang buhok at higit sa lahat matalino siyang bata! Natalo nga yong avarage kong 97.99! Pero ang ipinag tataka ko ang nararamdaman ko tuwing kausap ko siya.
Ang bata bata ko pa bathalang embre para maramdaman yon! Pero normal ba yon? Gusto ko lang namang maging komportable siya. Mag kaibigan kami. Ayon ang alam ko pero bakit kasi?
Hindi siya pala-kausap na bata hindi katulad ng iba pa naming mga kaklase at hindi katulad ko! Ubod daw ako ng ingay e! Pero ako na nag sasabi sayo kuya at ateng na nag babasa nito na kapag kayo na ang kumausap doon at narinig mo na ang boses niya ay mahihimatay ka!
Mahal ko ba siya? Pero masyado kaming bata! Kung papalarin mag kakakilala pa rin ba kami sa susunod na panahon? Yong handa na kaming pareho? Iniwan niya ko e. Iniwan niya ko na parang tuta. At nasaktan ako.
Pagkatapos non, tinanong kona silang lahat tungkol sa 'Puppy Love' na yan at naiintindihan ko na sila hindi lng pala yon tutang mahal kasi ikaw pala yon. Ikaw yon. at ayon ang ang tawag sayo pag nag mahal ka ng bata pa ang isip, at puso mo.
Does Puppy Love really work?