Matandang binata kung maituturing ang isang Gideon Lopez, ngunit ang kagwapuhan nya ay tila hindi kumukupas. Maysarili syang bahay, may magagarang sasakyan at owner ng napaka lawak na Farm bukod don ay CEO at all time billionaire kung ituring sya ng mga nakakakilala sa kanya. Sa kabila ng mala perpekto nyang mukha at pamumuhay ay hindi nya mabigyan ng oras ang sarili sa pag ibig na dapat ay mayroon sya sa edad na tatlompu't dalawa. Madalas na sa condo unit ito na mamalagi kaya't napaka dalang syang masilayan ng mga kasambahay na narito sa mansyon. "WILL YOU PLEASE GET OUT!" isang umaga nang mauwi sya sa mansyon at doon magpalipas ng gabi. Bumungad sa harapan nya ang pinaka bata nitong kasambahay, tanging ang maliit na saplot pang ibaba lamang ang suot nito kaya't hindi na napigil ni Gideon na mapasigaw sa labis na galit. "Gideon I- i do fall for you!" nagpapaintinding anito matapos ay nagpatuloy padin sa pag a-alis ng huling saplot nito. "F*ck!miranda!" galit na anunsyo nya sa pangalan ng katulong. Wala siyang nararamdaman kundi matinding galit para sa babaeng nasa harapan niya. Kakagising nya lamang ngunit sinira na kaagad ng kasamabahay na iyon ang araw nya. Mabilis nyang dinakma ang cellphone nya para tawagan ang mga gwardya sa labas ng mansyon nya. "Please get the f*ck up this girl inside of my room!" nawawalan ng pasensyang anito sa linya. He is Gideon Lopez, bata pa lamang siya nang sanayin na siya ng kanyang ama sa larangan ng negosyo Kaya ngayon ay namamayagpag ang kanilang Pangalan kahit na matagal nang namayapa ang kanyang daddy.All Rights Reserved