They say that love will come unexpectedly, hindi ito hinahanap at pinipili dahil kusa itong dumarating kaya hindi na kailangan pang hanapin. Pero ang iba'y tila hindi makapag hintay. Meron maagang nabubuntis sa murang edad- I'm not judging them, though, sa mata ng tao ay napakapangit no'ng tignan. Ako? I don't believe in that oh-so-called 'love', love is just a distraction. wala itong magagawang maganda sa buhay mo and worst, sisirain nya ito, babaguhin ka nito mula sa ibang pagkatao. Kaya gano'n na lang ang inis ko pag may nakikita akong mag nobyo't nobya, para sa akin ay sinasayang lang nila ang oras nila. Bitter, right? hindi mo ako masisi. Gano'n na ang pananaw ko simula pa lang. Maayos lang naman ang buhay ko. tahimik, at normal. Hanggang sa dumating ang impaktong lalaking 'to! "Bwisit ka Hunter Ashley Crift! Kung p'wede lang na ipakulam ka, ginawa ko na!" Chancey Ramirez.