Hindi umalis sa tabi ko ang Mama ko, naupo ako sa sofa at doon umiyak yakap ang Mama ko. "H'wag kang mag alala hindi ako natatanim ng sama ng loob sayo anak," mahabang sabi ni Mama.
"No is not you Ma, it's about Reed," sambit ko at natulala ang Mama ko.
"Niloko n'ya ako, pinaasa, pinaglaruan n'ya ako," mariing kong sabi sa harap ni Mama habang basa ng luha ang pisngi, balisa akong tumayo mula sa sofa at dinampot ang pitsel sa mesa upang magsalin sa baso ng tubig. Ngunit hindi ko kinaya at binato sa malayo ang babasagin na baso, agad ako inawat ng Lola at Mama ko, natataranta at takot ang mga ito binalingan ko rin ng tingin ang Papa ko sa hindi kalayuan, tulala at hindi makapag salita habang tabingi ang leeg nito dulot ng sakit nito.