Prologue Nagmahal ako. Minahal nya raw ako. Di ko alam kung totoo, Kaya nakipaghiwalay ako. Akala ko hahabulin nya ko. Kaya naghintay ako. Pero akala ko lang pala yun. Nakita ko sya. Nakita ko siyang masaya. Tinignan ko ang sarili ko. Miserable ako. Masaya siya ng wala ako. Habang ako, miserable ng wala sya. Tinanong ko sya. "Minahal mo ba talaga ko?" "Oo" Ang sabi nya. "Kung minahal mo talaga ko, Bakit hindi mo ko pinigilan? Bakit imbis na habulin mo ko pinabayaan mo lang ako?" "...Sorry" Yun lang ang sinabi nya at umalis. Iniwan nya ko. Sinubukan ko siyang pigilan, pero tinanggal nya ang kamay ko sa braso nya. Tumalikod siya at tuluyan ng umalis.All Rights Reserved