Ang "PAHARO: Mga Huni ng Paglalakbay" ay isang koleksyon ng mga "huni" o muni ng isang indibidwal tungkol sa kanyang paglalakbay sa daan ng sariling pagpupunyagi. Tinutukoy din nito ang "adulting phase" o ang isang mahalagang yugto sa gulang na dalawampu pataas kung saa'y matutunan niya ang mga bagong gawain sa unang pagkakataon. Aalamin din niya ang dahilan ng tagumpay at pagdapa, at pagtatalo ng kanyang isip at emosyon sa pagpili ng mga pasya sa buhay. Sa kanyang pagmumuni, sasagutin ng tadhana ang mga sagot sa nakaraan. Ito ay kung bakit siya'y umiiyak, natutuwa, nasasaktan o nagmamahal sa bawat haplos ng hanging galing sa bulubundukin at sa alon ng dagat.
Ang salitang "paharo" ay hango sa salitang Kastila na "pajaro" na nangangahulugang "ibon" sa wikang Filipino. Ginamit ang ibon sa koleksyong ito bilang kumakatawan sa isang indibidwal na nais matuklasan ang kanyang sarili pagkatapos ng pag-aaral sa kolehiyo.