Shaniya Montez, 26, isang dalagang may trauma na sa mga lalaki kaya naman takot makipagrelasyon. Isang breadwinner at nanggaling sa mapang-abusong pamilya.
Lionel Ignacio, 37, produkto ng isang toxic broken family, takot mag-commit sa isang relasyon sa takot na maipasa niya ang nakalakihang pamilya sa magiging pamilya niya.
Tila ba ay nagpantay ang mga bituin at nagkabuhol-buhol ang kanilang mga tali nang araw na magkrus ang kanilang mga landas, dahil pilitin man nilang dalawa na iwasan ang isa't isa, muli naman silang pinagtatagpo ng pagkakataon.
Dalawang tao na parehong takot bumuo ng sariling pamilya ang pagbubukludin ng isang regalo, isang regalo na magiging mitsa ng kani-kaniyang paghilom sa sugat ng kabataan. Isang regalo na magiging sagot sa hindi masabing panalangin.
Original Entry Date: November 26, 2022
Original End Date: February 18, 2022