Xyrus Suedo, isang simpleng binata na may matayog na pangarap. Trip niyang magbigay nang mga tula sa kaniyang nagugustuhan. Hindi niya alam na ang trip na ito ang magbabago sa takbo nang kaniyang buhay.
Paano niya kaya haharapin ang mundo kung siya mismo ay nagtatago sa kaniyang anino?
Ano naman ang gagawin niya kung sakaling may isang babae na magpapaunawa sa kaniya na ayos lang ang hindi maging perpekto?
Basahin ang kwentong ito, upang malaman mo, oo, ikaw na nagbabasa nito. Na hindi rason ang sumuko kapag ikaw ay nabigo.