Mahilig si Leann na manood sa mga vlogs sa youtube . Palagi niyang napapanood roon ang mga LDR couples sa pamamagitan ng Apps na tinatawag na Tantan, isang site sa pakikipag-chat. Marami ang walang jowa na nagtratry sa Apps na ito at napagtatagumpayan ang larangan ng pag-ibig sa pamamagitan ng Apps na Tantan.Matagal na talaga siyang curious sa Tantan kaya isang gabi ay sinubukan niya ito. You: Hi. Stranger: Gabi na. Nagpupuyat ka na naman kakahintay sa wala! Matulog na, wala ka rin ka-bebe time! You: Ay grabe! Kaya nga naandito para magkaroon ng kabebe time kuya. Pwede ka ba? Stranger: Iba ka rin Miss ano? Siyempre puwede, tatanggi pa ba ako sa magandang dilag na nakilala ko ngayong gabi na ito. You: Hindi ka rin naman pala bolero ano, kuya? Starnger: Sakto lang naman Miss Beautiful! You: Oo, alam ko maganda ako kuya! Stranger: Siyang tunay Miss. Ngunit hindi ko pa alam ang tunay mong pangalan. You: Kuya naman, naandyan na nga ang pangalan ko. Stranger: Ganun ba, Leann. Napakaganda ng iyong pangalan kasing ganda mo. You: Abay siyempre kuya. Magbibigay ba ang Nanay ko ng pangit ang pangalan ng kanyang magandang anak. Stranger: Tama nga naman Miss beautiful Napahalakhak nalang si Leann. Gabing-gabi na pero humuhugot pa rin ang estrangherong ka-chat niya! Nalaman niyang "Matt" ang pangalan nito at datingan palang ng pangalan niya ay mukhang makisig ang estrangherong ka-chat. Masarap kausap ang lalaki at napapatawa siya nito. Gabi-gabi silang magkausap sa naturang aplikasyon. At kapag walang mga kaniya-kaniyang pasok sila ay magkausap sa chat man o sa video call. Walang lumipas na araw na hindi sila magkausap. Kaya naman sa pagdaan ng ilang araw at buwan napagdesisyonan na nilang dalawa na sila'y magkita. Magkagustuhan kaya sila sa isa't isa sa kanilang pagkikitang dalawa.