Story cover for AMELIA: Ang Mabuting Mandarangkal [COMPLETED] by Rosenbloom1995
AMELIA: Ang Mabuting Mandarangkal [COMPLETED]
  • WpView
    Reads 191
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 1
  • WpView
    Reads 191
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 1
Complete, First published Dec 23, 2022
Ang tanging hiling ni Amelia ay makalayo sa mundong kinagisnan niya, ipagpatuloy ang kanyang kabutihan bilang isang normal na tao, at makahanap ng tunay na pag-ibig. 

Ngunit malaking sikreto ang pagiging mandarangkal ni Amelia, kung kaya't hindi siya nagtitiwala sa kahit na sino. Lumaking mabuti, at hindi pumapaslang ng tao si Amelia. Nagtitiis siya sa pagkain ng mga tao, at sa mangosteen na naging alternatibong gamot niya upang maiwasan ang pagiging mapaminsalang mandarangkal.

Ngunit nakilala niya ang kanyang kapitbahay na si Felix at ang kapatid nitong si Aguirre. Naging malapit ang loob niya sa dalawa at namasukan bilang isang tagapagluto. Hindi niya inaasahan, kay Felix niya matatamasa ang tunay at wagas na pag-ibig. 

Subalit isang diwata ng mangosteen ang nagpakita sa kanya kalaunan, at nagbigay ng misyon upang labanan ang kasamaan. Binigyan si Amelia ng kakaibang mutya nang sa ganoon ay malabanan niya ang mga masasamang mandarangkal at ang masasamang elemento sa paligid na kayang kumontrol ng tao.

Magtatagumpay ba ang pag-iibigan ni Amelia at Felix, kung ang mismong kalaban nila ay kapwa mandarangkal ng dalaga?
All Rights Reserved
Sign up to add AMELIA: Ang Mabuting Mandarangkal [COMPLETED] to your library and receive updates
or
#327alamat
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 7
Sa Lilim ng Hacienda Dalisay cover
Magindara [Completed] cover
Forget Me Not COMPLETED (Published by PHR) cover
MAHIKA (COMPLETED)  cover
Prisoners in Venus cover
IGNISIA cover
LOVE WITH LIES By: Reinarose (BOOK 2: LET THE LOVE BEGIN) cover

Sa Lilim ng Hacienda Dalisay

23 parts Complete

Sa gitna ng karimlan ng pananakop ng mga Hapones noong dekada '40, nakatayo ang Hacienda Dalisay - isang malawak na lupain sa baybaying bayan ng Silang, Batangas, na pinamumunuan ng isang kilalang ilustrado, si Don Feliciano Dalisay, isang lalaking makapangyarihan, malupit, at sagad sa lihim. Dito isinilang si Julian, isang batang lalaki na anak sa kasalanan at itinuturing na kahiya-hiya sa pamilya. Lumaki siya sa piling ng mga babaeng tahimik na nagdurusa - ang kanyang inang si Adela, isang binibining kinalinga pero tinuring na kasangkapan; si Aling Luming, ang yaya niyang puno ng pasakit; at si Rosario, ang kababata niyang may lihim na pagtingin sa kanya. Habang lumalaki si Julian, unti-unti niyang nadidiskubre ang mga madidilim na sikreto ng kanilang pamilya: ang lihim ng pag-iibigan sa pagitan ng kanyang ina at isang makabayang guro; ang matagal nang sabwatan ng kanyang ama at ng mga sundalong Hapones; at ang kodigo na naglalaman ng isang plano ng paghihiganti mula sa isang Katipunero na pinatay sa mismong hacienda. Sa likod ng digmaan, sa gitna ng kapangyarihan, pagnanasa, at pagkukunwari, bubuksan ni Julian ang mga kasinungalingan at katotohanang matagal nang tinatago ng Hacienda Dalisay. Sa huli, kailangan niyang pumili: ang ipaghiganti ang ina at bayan, o ang ipagpatuloy ang sumpang pamana ng kanyang ama.