" Hindi kami babalik hangga't di namin nahahanap ang hustisya para sa aming mga señorita. Magbabayad sila. " aniya ng ginoong may poot pa rin sa nangyare. ____________________________________________ Sa pagsabog ng kotseng lulan ang dalawang tagapagmana. May uusbong na alitan sa pagitan ng mga Gangster. Hindi magkasundo hanggang di malaman ang tunay na may pasimuno kung sino ang may pakana ng pagsabog. Samantala, nawala naman sa pag isip si Princess at lumayas sa Mansiyon si Athena. Ang dalawang pamilya ay di alam ang gagawin kaya't hinayaan na lamang ang dapat mangyare. Babalik pa kaya sa dati si Princess. Uuwi pa kaya ng Mansion si Athena o tuluyan ng hindi bumalik.