63 parts Complete Si Valeska Gillian Vicenzo ay isang ulila na lumaki sa isang slum kasama ang kanyang mapagmahal na Auntie. Isa siyang intersex, ngunit kakaunti lamang ang nakakaalam nito-ang kanyang Auntie at ilang matatandang babaeng tumulong sa kanya noong bata pa siya. Scholar lamang si Valeska at kasalukuyang kumukuha ng Bs Political Science sa prestihiyosong Everett University. Sa kabila ng kahirapan, nagsusumikap siya bilang isang working student upang maabot ang kanyang mga pangarap.
Ngunit nagbago ang kanyang buhay nang makilala niya ang tatlong babaeng magdadala ng kakaibang kulay at hamon sa kanyang kwento: ang una, isang tanyag na abogado; ang pangalawa, isang sikat na supermodel; at ang pangatlo, ang pinakabatang babaeng kolonel sa buong bansa. Sa gitna ng kanilang magkaibang mundo, magkakasundo ba sila o mauuwi sa malaking gulo?